Linggo, Enero 13, 2013


BANAUE RICE TERRACES

Ang Banaue rice terraces ay kilala rin bilang hagdan-hagdang palayan.Ito ay pang ''eight wonder of the world''.Ito ay matatagpuan sa Banaue.Ito rin ay 2000 taon ng nakatayo dito.Marami ditong tanim na mga palay.Isa rin ito sa magagandang tanawin dito sa Pilipinas.

CHOCOLATE HILLS

Ang chocolate hills ay matatagpuan sa Bohol.Meron itong 1,260 na hills na nasa 50 square kilometers.Meron rin itong mga kulay berdeng damo at kapag tag-init ay nagiging kulay brown na parang chocolate,kaya ito nabansagang chocolate hills.
MAYON VOLCANO

Ang Mayon volcano ay matatagpuan sa Bicol,Albay.Ang hugis niya ay perpektong tatsulok.Ito ay active na bulkan.49 beses na itong pumutok.Kilala rin ito sa tawag na ''perfect cone'' dahil sa kanyang perpektong hugis na tatsulok.Ang huling pagputok nito ay noong 1993.Isa rin ito sa magagandang tanawin sa Pilipinas.
    BORACAY                                                                                                                                                            
                                                                                                                                                                Ang Boracay ay isa sa magagandang tanawin dito sa Pilipinas.Sagana ito sa yamang dagat katulad ng iba't-ibang uri ng isda na naninirahan dito,corals,mga halamang dagat at marami pang iba.Ang buhangin dito ay pino at maputi,at kapag palubog na ang araw pwede mong itong panuorin.Makakapag-pahinga ka dito ng sobra-sobra dahil sa magagandang bagay na makikita dito.

PILIPINAS

Ito ang aking bayang sinilangan
Na pinagmulan rin ng aking mga magulang
Na pinaghati-hati sa tatlong kapuluan,
Luzon ,Visayas at Mindanao.

Ito rin ang bansang sagana sa likas na yaman
Katulad ng mga isda sa karagatan
At iba't-ibang klase ng halaman
Na matatagpuan sa kabundukan.